Nadakip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang sinasabing lider at miyembro ng Sergeant Ivan Gun Running Group na sangkot umano sa pagbebenta ng baril sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Kinilala ng kapulisan ang mga naaresto na sina Alyas Ivan, subgkwentay uno anyos at lider ng grupo, at Alyas Daryl, kwarenta anyos at kasapi ng grupo.
Unang naaresto si Alyas Ivan sa isang mall sa Alabang, Muntinlupa City habang naaresto naman sa follow up operation si Daryl sa Maynila.
Nag ugat ang operasyon mula sa impormasyon ng isang confidential na informant na nagdetalye sa mga aktibidad ng nasabing grupo.
Nakumpiska sa dalawa ang aabot sa dalawang libong bala, dalawang kalibre kwarentay singkong baril at mga bala, isang carbine, isang shotgun at mga bala nito.
Samantala, mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | via JIGO CUSTODIO
#