150K mag-aaral sa Sorsogon balik eskwela ngayong araw

SORSOGON CITY – Nakahanda ang Department of Education (DepEd) Sorsogon Provincial Divisions Office sa mahigit-kumulang 150K na mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School sa pagsisimula ng face to face classes ngayong araw.

Aabot naman sa 500 pampublikong paaralan na saklaw ng Division’s Office ang nakahanda na sa nasabing bilang ng mag-aaral habang nasa 9K naman ang bilang mga guro at mga non- teaching personnel ang sasalubong sa mga mag-aaral.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon sa School Divisions Superintendent na si Jose Toots Doncillo, tiwala silang magiging maganda at mas kapanapanabik ang unang araw ng klase dahil sapat ang preparasyon ng lahat mula sa enrollment period at sa mga ikinasang Brigada Eskwela.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Nilinaw din ng opisyal na bukas pa rin ang enrollment sa mga hahabol pa na magpapa-enroll para mahigitan nila ang numerong 190,000 total learners na nairehistro nila sa nakatalikod na school year.