Umano’y bomb maker sa Albay, arestado

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang pinaniniwalaang “bomb maker” sa Albay matapos magsagawa ng follow up operation ang Philippine National Police kasama ang Armed Forces of the Philippines, kasunod ng nangyaring engkwentro noong Marso 28, 2024.

Kinilala ito sa mga alyas na “Disoy”, “Andro”, “Domeng”, 67 anyos, miyembro ng KOMPROB (2011), binate, magsasaka at residente ng Purok 6, Brgy. Matanglad, Pio Duran, Albay.

Read More:  Binalbagan River residents brace for foul odor, murky water as milling season opens

Ayon sa PNP, isinagawa ang operasyon sa nasabing barangay, kung saan isang lalaki ang bigla na lamang tumakbo makaraang mapansin ang mga otoridad.

Hinabol ito ng mga operatiba at pumasok sa isang makeshift house, dahil dito’y pumasok din dito ang mga otoridad saka tumambad sakanila ang mga IED materials at medical kit.

Read More:  Student caught with unlicensed .45 pistol inside Northern Samar school

Maliban dito ay nadiskubre pa ang iba’t ibang electrical wire, IED materials, isang unit ng Cal. 38 revolver na may laog na limang bala na pawang pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng bomba.

Ang nahuling suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9516 at Republic Act No. 10591.

Hawak na ito ng Pio Duran MPS para sa kaukulang disposisyon.