NAGA CITY- Posibleng walang direktang magiging epekto sa bansa ang Severe Tropical Storm na may international name na Malakas o Basyang sa bansa ayon sa PAGASA, subalit may ilang mga Municipal Risk Reduction and Management Office sa Camarines Sur na nagpulong upang paghandaan ang posibleng epekto nito tulad ng ulan.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Edwin Olitoquit, MDRRM Officer ng bayan sinabi nitong nagpulong sila kasama ang akalde. Nakahanda rin ang Municipal Social Welfare and Development Office sakaling kailanganin ang ayuda. Ang lugar ay isa sa mga binabahang bayan.
Ayon kay Olitoquit , mahina o malakas , malayo man o malapit ang bagyo “critical preparation” ang ginagawa nila para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Samantala, bago pa man ang ulang dala ng Bagyong Agaton, inani na ng mga magsasaka ang palay. Ang iba naman na hindi pa 80% na himog ang tanim hinayaan munang mabasa at mapayuko ng ulan mabubulok lamang kasi o di kaya at tutubo na kung inani nang na’t hindi pa nabibilad.