Mga mangingisda sa San Miguel Bay ng Camarines Sur tuloy ang hanapbuhay sa kabila ng banta ng Bagyong Agaton

NAGA CITY –Nananatiling kalmado ang karagatan sa Camarines Sur kaya buwelong nakapaglayag ang mga mangingisda sa San Miguel Bay sa kabila ng banta ng bagyong Agaton.

Kagabi halos magdamag na naman ang naranasang pag uulan sa buong lalawigan, ngunit hindi ito naging hadlang para makapag hanapbuhay.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Allen Haya, barangay kagawad ng Barangay Sabang sa bayan ng Calabanga, sinabi nitong maganda naman ang sitwasyon ng dagat sa kanilang lugar kaya marami ang pumalaot mula pa noong isang gabi. Sayang ang kita ng mga umaasa sa dagat.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nilinaw ni Haya, na alam naman ng mga mangingisda nila kung kelan hindi dapat mangisda.

Pasalamat naman sila dahil sa hindi naman apektado ang San Miguel Bay ng bagyong Agaton.