Undocumented Bicolano OFW sa Ukraine at Russia hinikayat ng OWWA na makipag ugnayan sa embahada

NAGA CITY-  Walang Bicolanong Overseas Filipino Worker o OFW sa Ukraine ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)- Bicol subalit patuloy silang nakikipag ugnayan sa counterparts sa Russia.

Sa panayam ng Brigada news FM Naga kay OWWA Bicol Labor Communication Officer Via Domitita sinabi nitong ang Department of Foreign Affairs (DFA), Embassy at OWWA ay may mga pick up points at designated offices para sa mga undocumented OFWs o mga TNT (“Tago ng Tago”) na naiipit ng giyera sa Ukraine at Russia.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nakikiusap si Domitita sa mga TNT kung mayroon man, halimbawa na lamang mula sa Camarines Sur na huwag mahihiya dahil tutulungan sila ng pamahalaan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Samantala, sa mga may kaanak sa ibang bansa nangangailangan din ng tulong o rescue bukas ang satellite office ng OWWA sa Bicol Central Station sa Naga City sa may  Migrants Resource Center ng lungsod.