Muling nanawagan ang Ukraine sa buong mundo na patawan ng sanction ang Russia kasabay ng babala sa posibleng mangyaring catastrophe sa pinakamalaking nuclear plant sa Europa kung saan nangyayari ngayon ang shelling .
Una nang nagbabala ang world nuclear watchdog ng matinding trahedya kapag hindi tumigil ang mga sagupaan malapit sa Zaporizhzhia nuclear plant sa southern Ukraine
Binalaan na din ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russian soldiers na kapag inatake nila ang site sa Enerhodar city na hawak na ng Russia ngayon, magiging special target ang mga ito.
Kaugnay nito ay muling nanawagan si Zelensky sa ibang mga bansa na dapat magpakita nang mas matapang na pagtugon sa ginagawa ng Kremlin.
Binigyang diin nito na kapag hindi nagkaisa at tumugon ang mundo sa pagprotekta sa nuclear plant, nangangahulugan nito na bigo ang buong mundo.
