Ukraine, magbubukas ng embahada sa Pilipinas

Inanunsyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na magbubukas sila ng embahada dito sa Pilipinas ngayong taon.

Sinabi ito ni Zelenskyy sa naging bilateral meeting nila ni Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga sa Palasyo ng Malacañang.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sa ngayon kasi ay nasa ilalim pa ng jurisdiction ng embahada ng Ukraine sa Malaysia ang Pilipinas.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Liban rito, nagpasalamat rin ang Ukrainian leader sa imbitasyon sa kanya ng Pangulo.

Nabatid na parehong dumalo sa Shangri-La dialogue sa Singapore ang dalawang lider