Itinuturing na tagumpay ng Ukraine ang pag-atras ng Russian forces sa strategic Black Sea outpost sa Snake Island.
Sinasabing ito ay hudyat ng pagluwag ng paggipit ng Russia sa Ukraine dahil sa pagharang sa Ukrainian ports.
Pinuri naman ni Ukrainian president Volodymyr Zelensky ang kanilang Armed Forces dahil sa kagitingan ng mga ito.
Ayon sa Ukrainian government, umatras ang Russian forces matapos ang magdamag na artillery at missile assault.
Sa kabilang banda, nanindigan ang Russia na ang pag-atras ng kanilang tropa ay bilang “gesture of goodwill” para ipakita ng Moscow na hindi nilalabag ang pagnanais ng United Nations na magbukas ang humanitarian corridor para mailuwas ang mga grain products ng Ukraine palabas.
