Pagsasaayos ng CNPH gagawing prioridad ng bagong Gobernador, pagtatayo ng bagong ospital itinutulak

CAMARINES NORTE- Nangako si Governor Ricarte “Dong” Padilla na isa sa magiging prioridad ng kaniyang administrasyon ay ayusin ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Sa kaniyang inaugural address sinabi ni Padilla na marami siyang natatanggap na sumbong hinggil sa pagsusungit umano ng mga nurse at hindi nabibigyan ng tugon ang pangangailangan ng mga pasyente.

Naiintindihan naman umano ito ng Gobernador lalo pa’t ramdam naman daw niya ang hinaing ng mga empleado kasunod ng ginawang pagbuwag ng Sangguniang Panlalawigan sa mga posisyon sa Provincial Government ilang araw bago matapos ang Tallado administration.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nakiusap din ito sa SP na kung hindi pa naman pinal ang naturang hakbang ay sana naman daw ay magbago pa ang isip ng mga Bokal na pabor sa pagbuwag ng mga posisyon.

Kamakailan ay inaprobahan ng SP ang ordinansang bumubuwag sa mga posisyon sa mga government hospital sa lalawigan dahil kalabisan at hindi naman daw kailangan ang mga ito.

Ang hakbang na ito ng majority Board Members ng nagdaang administrasyon ay umani ng protesta mula sa hanay mismo ng mga kawani ng ospital.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang expansion ng CNPH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon.

Ito ay upang matugunan ang dami ng mga pasyenteng dinadala ditto araw- araw.

Halos tapos na rin ang  mas malaki at malawak na administration building.

Samantala, itutulak din umano ni Padilla ang pagtatayo ng Camarines Norte General Hospital dahil kailangang- kailangan aniya ito.

Nakipag usap na umano siya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Department of Health sa pamamagitan ng kapatid na si Sen. Robin Padilla hinggil ditto.