150 patay sa matinding baha sa India

Patay ang mahigit 150 na tao dahil sa matinding pagbaha sa North-Eastern State ng Assam sa India.

Ayon sa inisyal na report, umabot sa milyong tao sa nasabing Indian State ang na-displaced dahil sa nasabing pagbaha.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Marami sa mga biktima ang hindi ngayon alam paanong sisimulan muli ang kanilang buhay dahil sa pagkaubos ng kanilang ari-arian habang ang iba naman ay kasamang nawala ang mga mahal sa buhay

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kinumpirma ng mga rescuers na pahirapan sa kanila ang pagtungo sa mga apektadong lugar dahil sa mataas na baha.

Itinuturing din ito ng mga otoridad na isa sa pinakamatinding pagbaha sa kanilang kasaysayan.