Nagbabala ang United Kingdom na nasa panganib ng cholera outbreak ang Mariupol City sa Ukraine.
Ayon kasi sa United Nations, humalo na ang tubig sa mga sewage kasunod ng pagkakasira sa mga imprastraktura dahil sa patuloy na pambobomba sa lugar.

Maliban dito, nakakadagdag din sa unsanitary condition ngauon sa Mariupol ang mga hindi nakokolektang bangkay ng mga nasawi sa giyera.
Kinumpirma naman ni Mariupol city mayor Vadym Boychenko na nararanasan na ng kanilang lungsod ang cholera, dysentery at iba pang infectious diseases sa mga nakalipas na linggo sa gitna ng giyera.
Una nang inihayag ng Red Cross na ang pagsira sa mga sanitation infrastructure ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng water-borne diseases.
Matatandaan na ang cholera ay maaaring ikamatay ng sinumang tinamaan ng matinding infection kahit sa loob lamang ng ilang oras.