Sapul sa cctv ang panghahablot ng kwentas ng lalaking suspek sa isang dalagita na bumibili lamang sa tindahan sa Balic-Balic, Sta. Rita, Olongapo City nakaraang Huwebes pasado alas tres ng hapon.
Ayon sa biktimang si Irish, napansin niya na umano ang lalaking suspek sa isang tindahan at sumunod pala sa ikalawang tindahan na kanyang pinuntahan pero hindi siya nagsuspetsa na may plano pala itong gawin.
Bigla siyang nilapitan, hinablot ang kanyang kwentas atsaka tumakas na.
Dahil sa pangyayari, aminado ang biktima na natatakot na siya ngayong lumabas.
Ayon sa lola ng biktima na si Lola Yolly, desidido ang kanilang pamilya na sampahan ng kaso ang suspek dahil na rin sa trauma na idinulot nito sa kanyang apo.
Samantala, ayon sa PNP, mayroon na silang lead tungkol sa suspek na dati na rin umanong nakasuhan ng pagnanakaw at ipinagbabawal na droga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
