Camarines Norte nakapagtala ng 17 kaso ng Dengue mula May 22- June 4, 2022

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng 17 kaso ng Dengue ang lalawigan ng Camarines Norte simula May 22 hanggang June 4 ng taong kasalukuyan.

Pumangalawa ang lalawigan sa may pinakamaraming naitalang kaso sa rehiyon kasunod ng Camarines Sur na may 49.

Batay sa Dengue Weekly Surveillance Report mula May 22  hanggang June 4, 2022, nakapagtala ang Bicol region ng 77 kaso kumpara sa 23 sa kaparehong panahon noong 2021.

Tumaas ng 235 % ang mga naitatalang kaso ng dengue sa rehiyon.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Maliban sa Dengue nakapagtala rin ng mga kaso ng Japanese Encephalitis sa ibang lalawigan tulad ng Camarines Sur, Sorsogon at Albay habang zero case naman ang Camarines Norte.

Kaugnay nito ay hinimok ng DOH ang publiko na gawin ang mga preventive measures laban sa mosquito-borne diseases.

Para maiwasan ang pagkalat nitong dalawang mosquito-borne diseases hinihimok ang publiko na i- minimize ang mga outdoor activities lalo na tuwing sasapit ang malamig na oras, takipsilim at madaling araw.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa mga oras kasing ito ay aktibo ang mga lamok.

Ipinapayo din ang pagamit ng mosquito repellent, manatili sa air-conditioned o sa well-screened rooms, gumamit ng kulambo at magpabakuna lalo na bago mag- travel sa Japanese Encephalitis endemic areas.

Para naman maiwasan ang Dengue ipinapayong gawin ang 4S strategy, Search and destroy mosquito breeding sites, use Self-Protection Measures, Seek early consultation, and Say yes to fogging kung mayroong impending outbreak o hotspot sa isang lugar.