UAE, niluwagan ang residency requirements sa pamamagitan ng ‘green visa’

Inanunsyo ng United Arab Emirates ang bagong visa kung saan pinapayagan na ang mga foreigners sa kanilang bansa na magtrabaho kahit walang sponsorship mula sa mga employers.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong “green visa” kung saan maaaring magtrabaho ang sinuman kabilang ang mga Filipino kahit walang company sponsorship.

Maaari nang mai-sponsor ng mga green visa holder ang kanilang mga magulang at mga anak na may edad hanggang 25 anyos.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Minister of State for Foreign Trade Thani al-Zeyoudi, target nitong mahikayat ang mga highly skilled individuals, investors, mga negosyante, entrepreneurs, pati na ang mga matatalinong estudyante at postgraduates na pumunta sa kanilang bansa.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Layunin umano nito na magkaroon ng diversity sa kanilang ekonomiya at hindi na masyadong umaasa sa oil.

Una rito ay kilala ang UAE sa pagbibigay lamang ng limited visa na sponsor ng mga employer at hindi basta-basta makakakuha ng long-term residency.

Ang UAE ay kabilang sa mga 10 bansa na tinanggal na sa listahan ng Pilipinas sa travel ban.