Turn-over ng pabahay sa barangay ng PNP Cauayan, inaasahang isasagawa sa susunod na linggo

Inaasahang isasagawa sa susunod na linggo ang turn-over ng pabahay ng Cauayan City Police Station sa dalawang pamilyang benepisaryo sa Brgy. Villa Flor at San Luis, Cauayan City.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, isinasapinal na ang araw kung kailan ipapasakamay ng PNP ang ginawang bahay ng napiling dalawang pamilya sa naturang mga barangay.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ito ay sa ilalim ng Pabahay sa Barangay o PRO2 Barangayanihan kung saan layunin nitong tulungan ang mga pamilyang maikokonsiderang kabilang sa poorest of the poor.

Aniya, patunay lamang umano ang nasabing proyekto na nagpapatuloy pa rin ang programa ng kapulisan upang matulungan ang komunidad habang pinapanatili ang kapayapaan rito.

Magugunita na sinimulan ang konstruksiyon ng dalawang bahay sa San Luis at Villa Flor noong nakaraang buwan kung saan ang pondo rito ay mula sa PNP Cauayan City, LGU Cauayan at stakeholders katuwang ang 2nd IPMFC.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, muli namang nagpapaalala si PLt. Topinio sa publiko na sumunod sa umiiral na health protocols sa lunsod upang hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19.

Habang hinikayat naman niya ang mga Cauayeños na huwag mag-atubiling isangguni o itawag sa kanilang istasyon ang anumang uri ng krimen na kanilang nasasaksihan o nalalaman.