Pirmado na ng Department of Trade and Industry Quirino at Provincial Government ang memorandum of agreement para sa expansion ng coffee processing facility sa naturang probinsya.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, isa ang nasabing proyekto sa Shared Service Facility Project na naitatag ngayong taon sa probinsya.
Pinondohan ang nasabing proyekto ng 1.6 milyon pesos upang mapabilis ang pagproseso ng Quirino coffee processors.
Makatutulong din ito sa pagpapataas ng suplay ng kanilang produkto upang mapataas ang benta at ang demand ng coffee beans mula sa mga magsasaka.