HAWAK pa rin ng 25-anyos na Turkish woman ang Guinness Book of World Record title bilang pinakamatangkad na babae sa buong mundo.
Batay sa ulat, wala pa ring nakakatalo sa record ni Rumeysa Gelgi bilang pinakamatangkad na babaeng nabubuhay sa mundo, sa sukat na 215.16 centimeters o katumbas ng mahigit 7 feet.
Dahil sakanyang labis na katangkaran, kinakailangang magtanggal ng Turkish Airlines ng hindi bababa sa sampung economy seats para magkasya si Rumeysa habang nakahiga naman ito sa kanyang buong biyahe mula Turkey patungo sa California.
Ayon sa mga eksperto, si Rumeysa ay mayroong karamdaman na kung tawagin ay Weaver Syndrome na sa madaling sabi ay isang sakit kung saan labis na lumalaki ang kanyang mga buto.### JDR