4th quarter nationwide simultaneous earthquake drill, isasagawa ng OCD Bicol ngayong araw

Isasagawa ng Office of the Civil Defense (OCD) Bicol ngayong araw, Nobyembre 10, 2022, ang 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Bawat lokal na pamahalaan ay kanya-kanyang magsasagawa ng kanilang aktibidad na may kaugnayan sa drill at maging ang iba pang mga ahensya ng gobyerno ay makikilahok din.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Ayon kay Gremil Naz, Regional Spokesperson ng OCD Bicol, inaanyayahan ang publiko na makiisa sa gawain, kung saan sabay-sabay isasagawa ang “duck, cover at hold.”

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Layunin nitong palawakin pa ang partisipasyon ng iba’t ibang mga sektor pagdating sa paghahanda sa panganib at mga sakuna.

Ang gawaing ito ay malaking tulong din sa publiko dahil magkakaroon sila ng kaalaman kung ano ang mga dapat gawin tuwing may lindol.