Turkish pilot namatay sa kalagitnaan ng flight

Napilitang mag emergency landing sa New York City ang co-pilot ng isang eroplano ng Turkish Airlines matapos na mamatay ang piloto nito.

Ayon sa tagapagsalita ng airline na si Yahya Ustun, ang naturang piloto ay bigla na lang bumagsak habang nasa kalagitnaan ng biyahe. Sinubukan pa aniyang sagipin ang naturang piloto ngunit agad din itong binawian ng buhay.

Read More:  Venezuela earthquake death toll nears 1,500
Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Paglilinaw ni Ustun, nakapasa sa kanilang medikal examination ang nasabing piloto noong Marso at  walang nakitang anumang problema sa kasalusugan nito.