Tupa ibinigay ng DA sa ilang upland farmers

Nagbigay ng alagaing tupa ang Department of Agriculture sa mga upland farmers sa Cell 1, Gordon Heights, Olongapo City.

Ito ay sa pamamagitan ng City Agriculture at ng Highly Urbanized City Agricultural and Fishery Council.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Ayon kay City Agriculture OIC Francis Ela Maniago, anim na piraso ang unang ipinamigay kahapon.

Dumaan na sa pagsasanay sa City Veterinary Office ang mga mag-aalaga ng tupa para sa tamang paraan ng pag-aalaga nito.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support

Samantala, bibigyan naman ng opsyon ang mga ito sa oras na maparami na kung kanilang ipagbibili o kakatayin.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Agriculture Office