Tunay na salarin sa pamamaslang sa isang buntis, tukoy na; dalawang kaso, isasampa sa suspek

Tukoy na ang tunay na salarin sa pamamaslang sa isang buntis sa bayan ng Bulan, Sorsogon makaraang makakuha ng ‘eye witness’ ang mga awtoridad.

Kinilala ang suspek na si Bernardo Brezuela Lacaba, 34-anyos, may kinakasama, magsasaka ng niyog at naninirahan sa Purok 4, Brgy Quezon ng nasabing bayan.

Ang biktima na dalawang buwan na buntis ay kinilalang si Judilyn Alminiana Gayola, 27-anyos, tubong Brgy Mambajog, Matnog, Sorsogon at kasalukuyang naninirahan sa P-1, Brgy Quezon ng nasabing bayan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, una umanong nagwitness si Lacaba na nakita niya ang suspek na si Eddie Mantes, binata, mangingisda na tumatakbo patakas mula sa bahay ng biktima , subalit sa patuloy na pag-iimbestiga, napag-alaman na si Mantes ay hindi puwedeng tumakbo dahil may sugat ito sa paa.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Nakakuha naman ng isang ‘eye witness’ ang mga imbestigador at sa pahayag nito, tinukoy si Lacaba na siyang tunay na salarin sa pananaksak-patay sa biktima.

Mahaharap si Lacaba sa mga kasong Attempted Rape with Homicide  at Unintentional Abortion.