Tunay na kalagayan ng serbisyo ng ALECO, tinalakay; pabalik-balik na problema ng kooperatiba, binigyang diin

LEGAZPI CITY – Tinalakay kahapon sa isinagawang pagpupulong ng Albay Electric Cooperative (ALECO) ang umano’y tunay na kalagayan ng kooperatiba sa pagbibigay ng serbisyo ng kuryente sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay ALECO Acting General Manager, Wilfredo O. Bucsit ang total power requirement umano ng Albay ay 122 megawatts sa peak hour, kung saan mayroon umano itong 7 substations, at ang isa ay pag-aari ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Binigyang diin ni Bucsit na nalulugi umano ang kooperatiba ng 5 milyong piso sa bawat 1% na systems loose, kung kaya’t isa sa mga nais ng ALECO ay ang mapababa ang system loose. Dagdag pa ng opisyal, ang kasalukuyang systems loose ay umaanot na sa 24%. Target ng kooperatiba na maibaba ang system loose ng hanggang 19% ngayong taon, 15% sa darating na 2025, 12% sa 2026, at 10% sa 2027.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations