Legazpi CPS, nagbigay ng ilang road safety tips sa mga motorista para makaiwas sa aksidente sa daan ngayong panahon ng tag-ulan

LEGAZPI CITY –  Nagbigay ng ilang Road Safety Tips ang Legazpi City Police Station (CPS) sa mga motorista para makaiwas sa anumang aksidente sa daan ngayong panahon na naman ng tag-ulan.

Ang paalala ay kaugnay ng ilang araw nang nararanasang sunod-sunod na pag-ulan sa lungsod ng Legazpi kung saan ito ay isa sa mga nagiging sanhi ng mga vehicular accidents.

Ayon sa nasabing himpilan, mayroon umanong tatlong bagay na nagiging sanhi ng aksidente ng mga motorista sa tuwing sila ay nagmamaneho habang umuulan. Una umano ay ang poor visibility lalo na kung malakas ang ulan, ang traction kapag basa ang daan, at ang kilos o pag-uugali ng motorista habang ito ay nagmamaneho.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Para naman umano mapanatiling ligtas ang kanilang pagmamaneho, kailangan umanong magsuot ang mga ito ng wastong kagamitan tuwing umuulan. Ugaliin ang pagsusuot ng wastong helmet kung saan dapat umanong pinoprotektahan ng visor ang kanilang mukha.  Makakatulong rin umano ang pagsusuot ng matingkad na kulay na rain gear na may mga reflector upang mapataas ang visibility sa kalsada.

Dagdag pa ng himpilan, kapag umano umuulan, iwasan ang mga pinturang linya sa kalsada dahil mas madulas ang mga ito. Lagi rin umanong mag-ingat sa mga manhole, puddles, at iba pang mga sagabal sa kalsada na maaaring magpataas ng panganib ng mga aksidente.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Siguruhin din umanong may sapat na tulog bago magmaneho, lalo na kung ito ay mahabang biyahe, at kung sakali mang dapuan ng antok ay huminto sa kalapit na tindahan o isang lugar na maaaring makapag-kape, bago ipagpatuloy ang biyahe.

Ayon pa sa nasabing himpilan, kailangan unanong panatilihin ang mga pag-iingat, magkaroon ng kaalaman, mahusay na kagamitan, para maging isang responsableng driver.