Tuluyang pag-ban ng POGO sa bansa, sapat ang batayan – ayon sa isang senador

Naniniwala si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian na sapat ang batayan para tuluyan nang i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Isa na ritong dahilan ang naungkat sa Senado na lahat ng uri ng scam sa paggamit ng pekeng ID sa SIM registration ay konektado sa POGO.

Ayon kay Gatchalian, habang nananatili sa bansa ang mga POGO ay laganap din ang mga scammers o manloloko; at hanggang umiiral ang scam ay hindi matutuldukan ang mga kaso ng human trafficking.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Aniya, nagiging front na lamang ang POGO sa mga iba’t ibang klaseng panloloko sa bansa.