KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng ayuda mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO South Cotabato ang mga pamilya na apektado ng pagbaha sa Barangay Polonuling, Tupi.

Ang distribution ng relief assistance ay pinangunahan ng Philippine National Red Cross.
Nakatanggap ng food packs, sleeping kits at hygiene kits ang 26 na mga pamilya na nasa evacuation center.
Ang Barangay Polonuling ay isinailalim na sa state of calamity.