Halos 1,665 na mga mag-aaral ng CNSC, nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa CNPG-CEAP

Daet, Camarines Norte — Nakatanggap ng tulong pinansyal ang halos 1,665 na mga mag-aaral ng CNSC mula sa Camarines Norte Provincial Government—College Education Assistance Program (CNPG-CEAP) na ginanap sa Agro Sports Center, Hunyo 19, 2024.

Ayon naman kay Dr. Sarah P. Aviado, ang Officer-in-Charge ng Community Affairs Office (CAO) na nangangasiwa ng CNPG-CEAP, responsibilidad ng bawat isa na makiisa sa nation-building bilang mga iskolar ng bayan, at hinimok ang mga ito na paunlarin nang sama-sama ang kanilang komunidad.

Sa kabuuan, P 4,995,000 ang naipamahagi sa mga mag-aaral na benepisyaryo ng CNPG-CEAP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *