Tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda sa Aurora, umabot ng P150M

Tiniyak ng pamahalaan ang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Aurora kasunod ng epekto ng El Niño.

Umabot sa halos P150M na halaga ng tulong ang ipinamahagi na ni Pangulong Bongbong Marcos para sa mga ito.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Saklaw niyan ang tig-P10,000 mula sa Office of the President.

Bukod pa ito sa panibagong tig-10,000 na galing naman sa DSWD para sa kanilang ayuda para sa 10 libong mga benepisyaryo.

Maliban dito, namigay din ang pamahalaan ng milyon-milyong pisong halaga para sa animal quarantine, pautang, fish vending equipment, DOLE integrated livelihood program, scholarships galing tesda, at training support fund.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ayon kay Pangulong Marcos, nasa P105.58 milyong ayuda naman ang ibinigay sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.