59 million households, makaka benepisyo sa binuksang Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbubukas ngayong hapon ng Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa lalawigan ng Bataan.

Inaasahang nasa 59 milyong mga kabahayan sa Luzon at iba pang power consumers ang makikinabang sa pagsisimula ng operasyon nito.

Ayon kay NGCP President Anthony Almeda, may kakayahan itong makapag- transmit ng 8,000 megawatt power mula sa planta ng kuryente sa Bataan at Zambales.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Maliban sa Mariveles-Hermosa-San Jose Transmission Line, marami pa anyang nakalinyang gagawin ang NGCP upang makatulong na maiangat ang ekonomiya ng bansa, at matugunan ang lumalaking pangangailangan sa enerhiya ng Pilipinas.

Sa mensahe naman ni Pangulong Marcos, sinabi nitong ang naturang transmission project ay patunay ng transformative power ng collaboration sa pagitan ng pamahalaan at ng private sector upang makamit ang stable, reliable at resilient na power supply sa bansa.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Nabatid na ilan sa mga nabuksang big ticket project ng NGCP ngayong taon ay ang Mindanao-Visayas Interconnection, Cebu-Negros-Panay 230kV Interconnection at marami pang iba.