OVP, nagpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President sa mga pamilyang magsasaka na naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.

Sa pangunguna ng mga personnel mula sa OVP – Disaster Operations Center at Panay and Negros Islands Satellite Office, namahagi ng tig-dalawampu’t limang kilo ng bigas ang tanggapan sa mga residente ng Canlaon City sa Negros Oriental.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Umabot sa 4,757 na pamilyang magsasaka ang nakinabang sa bigas na nagmula sa limang barangay.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nagpasalamat naman si Canlaon City Mayor Jose Cardenas at ang mga benepisiyaryo kay Vice President Sara Duterte dahil sa natanggap na tulong.

Ngayon lamang umano nabigyan ng tulong ang mga residente mula sa isang national government agency simula nang mag-alburoto ang bulkan.