Tulong, bumuhos sa pamilyang naiwan ng babaeng namatay sa panganganak sa sidewalk sa Cebu

Bumuhos ang tulong sa pamilya ng ginang na namatay matapos manganak sa sidewalk sa kahabaan ng Mango Avenue, Barangay Kamputhaw, Cebu City nitong Miyerkules, Agosto 14, 2024.

Matatandaang kinilala ang ginang na si Mary Ann Tangpos o mas kilala sa Alyas na Jennifer na namamalagi sa kalsada.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Maaalala rin na wala ng buhay nang iniluwal nito ang sanggol at nagpumilit na hindi ito dalhin sa ospital matapos manganak.

Paiimbestigahan naman ng City Government ang nangyaring insedente at sila na rin umano ang sasagot sa pagpapalibing sa mag-ina.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Napag-alaman na ika-labing dalawang anak ni Mary Ann ang namatay na sanggol at 8 na lang ang natitirang buhay dahil nasawi rin ang iba.

Umabot naman sa kabuuang P84,000 na cash mula sa Brigada ang naipaabot na tulong sa pamilya ng mag-ina.