Kinumpirma ni Senate President Migz Zubiri na tuluyan nang iba-bypass ng makapangyarihang Commission on Appointments si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Zubiri na hindi na palulusutin pa ng CA ang ad interim appointment ng Kalihim sa DSWD.
Ayon sa Senador, sa kasayasayan ng CA ay wala pa raw nakalulusot na isang appointed secretary na mayroong conviction mula sa Supreme Court.
Matatandaan kasing na-suspend ang confirmation hearing ni Tulfo kamakailan nang maungkat ang pagkaka-convict nito sa mga kasong libel.
Sinabi pa ni Zubiri na iimbitahan din ng CA ang ilang mga mahistrado para talakayin ang citizenship issue ni Tulfo.
Kung maaalala, nabunyag sa confirmation hearing ni Tulfo ang pagiging American Citizen niya nang mag-serve ito sa US Military.
Aminado naman si Zubiri na nanghihinayang siya kay Tulfo pero wala raw silang magagawa dahil kailangan pang resolbahin ang ilang mga isyu ng Kalihim.
Bagamat tiyak nang maba-bypass, itutuloy pa rin ang deliberation ng CA sa susunod na taon pagkabalik ng mga Kongresista mula sa kanilang Holiday break.
#
