Kulong sa magpapalugi ng Maharlika Investment Fund, pasok sa bagong bersion ng panukala

Inisa-isa ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries chairperson Manila 5th District Irwin Tieng ang mga pagbabago sa pinakabaong bersyon ng House Bill 6398 ‘o ang panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa pulong balitaan, sinabi ni Tieng na napagkasunduan sa pamamagitan ng isang executive session na dagdagan ng ilang mga probisyon ang panukala para mapanagot ang mga grupo o indibidwal na mapatutunayang may pagkukulang, ‘o kahit na anong fraud, negligence, at breach ng investment agreement na magreresulta sa loss o pagkalugi ng pondo.

Nakapaloob sa bagong amendments na mapananagot ang mga stockholders, o mga miyembro nito, ng pagkakakulong nang hindi bababa sa isang taon at hindi hihigit ng limang taon.

Pagmumultahin din ito ng hindi bababa sa P50,000 at hindi hihigit ng P2Million.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ilalaan na rin ang one-fifth o 20% ng net profits ng MIF sa mga social welfare programs ng pamahalaan.

Muli ring kinumpirma ni Tieng na hindi na kasama sa initial allocation ang pention funds mula sa GSIS at SSS; pati na rin ang pagtatanggal sa Pangulo ng Pilipinas bilang chairperson ng Maharlika Board of Directors.

Sa ngayon, na-refer na ang committee report sa House Rules Committee.

Ibig-sabihin, magtatakda na ng schedule para sa ikalawang pagbasa ng panukala.

Sa kabila niyan, ‘di pa tiyak ni Tieng kung makalulusot na ba ang HB 6398 sa Miyerkules, ang huling plenary session ng Kamara bago mag-Christmas Break.
#

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Senado, hinihintay pa ang final version ng House bill para sa Maharlika Fund – SP Zubiri

Hihintayin pa muna umano ng Senado ang magiging pinal na bersyon ng Kamara hinggil sa ipinapanukalang pagtatatag ng MIF.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Senate President Migz Zubiri na ito ang dahilan kung bakit wala pang counterpart bill ng House Bill 6398 na inihahain sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sa kasalukuyan, nakausap na umano nila si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa naturang panukala.

Matatandaaang paglapag ng Pangulo sa Brussels kaninang umaga, iginiit nitong kailangang-kailangan na ng Pilipinas ang MIF.

Dinepensahan din nito ang panukala at sinabing huwag na muna itong batikusin ng publiko dahil patuloy pa rin itong inaamyendahan sa Kongreso.
#