Handa ang Department of Justice na sundin ang US-Philippines extradition treaty sakali mang ipag-utos ito ng Amerika para sa mga kasong kinahaharap ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder and pastor Apollo Carreon Quiboloy.
Sa ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Boying Remulla na susunod sila sakali mang mag-request na ang Amerika na ipa-extradite si Quiboloy.
Sa kabila niyan, wala pa raw silang natatangap na opisyal na hiling mula sa mga counterparts nila sa US Government.
Sabi pa ng Kalihim – patuloy pa rin silang nagmo-monitor sa mga magiging developments at aksyon ng Amerika sa mga kasong isinampa kay Quiboloy.
Matatandaaang kamakalawa lamang ng patong-patong na sanctions ang ipinataw ng US Treasury’s Office of Foreign Assets Control (OFAC) laban sa church leader dahil sa isyu ng kurapsyon at human rights abuses.
Pinalagan naman ito ng kanyang kampo at sinabing hindi nabigyan ng sapat na due process ang kanilang televangelist at para na rin siyang na-convict ng US Treasury dahil sa ipinalabas nitong press release.
#
