Tulfo: Ilang opisyal ng DENR nakikipagsabwatan sa illegal mining

Pinaiimbestigahan ni Senator Raffy Tulfo sa liderato ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pagsasagawa ng lifestyle check sa kanilang mga personnel, at iginiit na mayroon umano siyang patunay laban sa ilang mga tiwaling opisyal ng naturang ahensya.

Kaugnay nito, inakusahan ni Tulfo ang mga hindi pinangalanang opisyal na umano’y nakikipagsabwatan sa mga illegal miners.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ginawa ng ng senador ang lahat ng naturang alegasyon habang tinatalakay ng Senado sa plenaryo ang panukalang budget ng DENR para sa susunod na taon.

Dahil dito, sinuspende ng kapulungan ang kanilang rules para payagan si Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na direktang sagutin ito.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dahil dito, tiniyak ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga sa senador na bubuo sila ng team na may magkakaparehong pananaw, integridad at commitment sa misyon ng DENR.

Giit ng sendor, na ang DENR ay kilala bilang isa sa most corrupt departments ng gobyerno, kaya iminungkahi nito sa kalihim na linisan ang sariling bakuran. //MHEL PACIA