Ipinagbabawal na ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga colleges at universities sa Pilipinas, ang pagpapatupad ng full distance learning, simula sa second semester ng Academic Year 2022-2023.
Sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 16, nakasaad na papayagan lang ang higher education institutions (HEIs) na isagawa ang kanilang degree programs sa pamamagitan ng full in-person classes o hybrid learning.
Sa hybrid learning, 50 percent ng kabuoang contact time ay para sa onsite learning o in-person classes, habang ang natitirang oras ay sa pamamagitan naman ng distance learning modalities gaya ng “self-paced printed o online learning modules, synchornous/ asynchronous learning sessions, at remote guided peer learning approaches.

Ayon sa commission, na ang mga HEIs na planong mag-operate ng graduate at undergraduate programs sa pamamagitan ng distance learning ay kailangan munang kumuha ng approval mula sa CHED, alinsunod sa mandato sa ilalim ng Republic Act No. 10650 o ang Open Distance Learning Act at iba pang related policies.
Ang mga laboratory o shop courses na may on-the-job training at apprenticeship programs ay kailangan ding magsagawa ng onsite learning experiences simula sa second semester. //MHEL PACIA