Tulfo brothers – nanguna sa senatorial survey

Nanguna sa listahan ang magkapatid na sina ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo at broadcaster Ben Tulfo sa listahan ng mga nais iluklok sa pagka-senador.

Batay sa “Tugon ng Masa (TNM)” Third Quarter 2024 nationwide survey ng OCTA Research, 60% ng publiko ang nais maging senador si Erwin Tulfo, habang 57% naman ang bumoto kay ben Tulfo.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Nakuha naman ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang ikatlo at ikaapat na puwesto; nasa ikatlo hanggang ikaanim naman si Senador Christopher Bong Go na may 49%; at nasa ikaapat hanggang ikaanim sa ranking sina former senator Panfilo “Ping” Lacson at Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na parehong may 44%.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary