‘Tulak’ timbog sa buy-bust at iligal na pag-aari ng baril

SORSOGON CITY – Arestado ang isang lalaki sa isang buy-bust operation sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Arnel Samson Nicol, alyas ‘Timbang-Kilo,’  37- anyos ng Brgy. Bacolod at tricycle driver.

Hapon nang magkasa ng operasyon sa pangunguna ng Irosin Municipal Police sa Brgy. Tinampo, kung saan pinagbentahan ng suspek ang isang police poseur buyer, dahilan para dakpin ito.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Nakumpiska dito ang 2 sachet na may lamang tuyong dahon ng hinihinalang Marijuana at nakuhaan pa ito ng isang kalibre .38 na revolver na kargado ng tatlong bala. Narekober din sa suspek ang P500.00 boodle money na ginamit ng mga awtoridad sa operasyon.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Si Nicol ay mahaharap sa magkapatong na kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa COMELEC gun ban.