Tulak, arestado sa buy-bust sa bayan ng Irosin

SORSOGON CITY  –  Arestado ang isang tulak ng droga at kasama sa Provincial Recalibrated Database on Illegal Drugs sa Brgy. San Julian, Irosin, Sorsogon.

Kinilala itong si Michael Garlan Salvador, 32 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Gabao ng nasabing bayan.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Naaresto ang suspek sa isinagawang  buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Sorsogon Police  Provincial Office, Irosin MPS at 1st PMFC Sorsogon.

Nakumpiska sa operasyon ang ang isang nakarolyong papel na naglalaman ng mga tuyong dahon ng pinaniniwalaang Marijuana at isang Php500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money. 

Read More:  15-year-old arrested in Cebu Buy-Bust with suspected shabu

Ang naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ngayon ng Irosin MPS para sa kaukulang disposisyon