Aminado ang NDRRMC na hindi pa nila makumpleto ang report ng pinsala ng bagyong Odette dahil pahirapan pa rin para sa kanila ang marating ang lahat ng mga sinalantang lugar.
Ito ay dahil sa mga baha, landslides at iba pang debris na naghambalang sa mga daan habang wala pa ring suplay ng kuryente at iba pang communication services.
Kaugnay nito ay umaasa ang NDRRMC na mas maraming lugar ang marating ng mga rescue at relief ngayong araw kasabay ng pagbuti ng taya ng panahon
Sinabi ni Assistant Secretary Casiano Monilla, deputy administrator od the Office of the Civil Defense na mistulang ibinalik ng bagyong Odette ang mga ala-ala ng bagyong Sendong at supertyphoon Yolanda dahil sa mga pinsalang iniwan nito.
Samantala, pinuri ni Monilla ang kooperasyon na ipinakita ng mga residenteng apektao kung saan wala silang natanggap na mga report na mayroong mga umaayaw sa preemptive evacuation efforts ng mga ahensiya ng pamahalaan.