Umiiral ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nagdeklara ng state of calamity.
Ito ang ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos ang deklarasyon ng state of calamity ng ilang mga LGUs na labis na napinsala ng nagdaang bagyo.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez sa ilalim ng state of calamity automatic ang 60-days na price freeze sa mga basic goods at comodities.
Inihayag din ni Lopez na bago pa man sumalanta ang bagyo nagsagawa na sila ng supply inventory sa mga pamilihan at lumalabas na mataas ang inventory level sa mga lugar na nadaanan ng bagyo.
Ibig sabihin nito ayon kay Lopez, ay hindi magkakaroon ng kakulangan ng suplay ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihang bayan sa kabila ng pagsalanta ng bagyong Odette.