NAGA CITY- Hindi maipaliwanag ang tuwa ng 23-anyos na tubong Tinambac Camarines Sur nang masungkit ang Top 3 sa Licensure Examination for Teachers, Elementary Level.
Sa 92.2% na rating Top 3 si JENNY GRACE SAN JUAN MORENO , anak ng magsasaka, graduate sa Partido State University-Main Campus sa Goa, Camarines Sur at residente ng Barangay Antipolo, Tinambac parehong lalawigan. Nagtapos ng Elemtarya sa Antipolo Elementary School sa Tinambac noong 2010 at Antipolo National High School noong 2014.
Siya ang tangging mula sa paaralan sa Bicol Region na pasok sa Top 10. Sa 15,696 examinees sa elementary level, 8,737 ang pumasa. 2,678 ang first takers at isa roon si Moreno.
Kwento sa Brigada News FM Naga ni Moreno, hindi niya lubos maisip na nasungkit niya ang Top 3, dahil dalawang beses na postponed ang exam dulot ng pandemya.
Pinasalamatan nito ang lahat ng mga nagsakripisyo para sa kaniyang pag-aaral lalo na ang kaniyang mga magulang at kasintahan na todo suporta sa kaniyang pag review, katunayan naabsorb na rin nito ang pinag aaralan ni Moreno.
Pagkatapos ng exam noong Enero na diagnosed sa endometrial cancer ang ina nito noong Enero. Samantala, buntis man, napatalon sa kalsada dahil sa tuwa ang kapatid nitong si Sam. Ang exam result aniya ay sumakto naman dahil katatapos lamang ng operasyon ng kanilang ina na nadiagnosed sa endometrial cancer.
Guro rin ang isa sa dalawang kapatid ni Moreno at marami silang pangarap para sa mga mag-aaral. Payo ng Top 3 na si Ma’am Jenny, hirap man sa buhay huwag mawawalan ng pag-asa na maabot ang mga pangarap.