Camarines Sur nakapagtala ng mahigit 7, 600 TB cases noong 2021

NAGA CITY- 7, 663 ang kaso ng Tuberculosis sa buong Camarines Sur nitong 2021, ito ang pinakamataas na kaso sa buong Bicol ayon sa Department of Health. Sa buong rehiyon umabot sa 20, 146 ang kaso.

Sa probinsya ng Camarines Sur,  ang bilang ay mas mas marami kumpara noong 2020 na may 5, 971 habang 7, 329 naman noong 2019 base sa Integrated TB Information System.  Ayon kay Lilian Contessa Encisa, Senior Health Program Officer ng DOH Bicol, dumipende rin ang bilang sa total population kung saan Camarines Sur ang pinakamalaki sa buong rehiyon.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ang pamahalaan ay mga pasilidad na itinalaga para magamot ang mga may TB, gumagastos din para sa gamot.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Kaya payo ni Encisa, kung may mga sintomas ng TB tulad ng dalawang linggong may ubo, lagnat , night sweats at weight loss magpacheck up na.  Sa mga nasa treatment huwag panghinaan ng loob at tapusin ang gamutan.

Ang bawat Marso 24 ng taon, inaalala natin ang araw kung kailan nadiskubre ang sanhi ng tuberculosis World TB Day.