Nanaksak ng tsuper ang isang 27-anyos na lalaking pasahero nang singilin siya ng pamasahe sa Cainta, Rizal.
Base sa imbestigasyon, bumaba ang suspek sa jeep nang hindi pa nagbabayad pero nang sitahin ito ng 50-anyos na jeepney driver ay agad itong bumunot ng balisong at sinaksak ang biktima.
Sugatan ang tsuper nang salagin nito ang pananaksak dahilan para tumama ito sa kanyang kanang braso.
Agad naman nahuli ang suspek ng mga nagpapatrolyang pulis sa lugar.
Depensa nito, bumaba siya dahil mali ang direksyon ng nasakyan niyang jeep sa kanyang uuwian.
Nasa kustodiya na siya ng Cainta PNP at mahaharap sa kasong frustrated murder at Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons.