Evacuation centers, inihahanda na ng ilang LGUs na malapit sa paanan ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Inihahanda na ng mga LGUs ng ilang bayan malapit sa paanan ng Bulkang Mayon ang bawat evacuation center para sa mga residente sakaling pumutok ito ngayong nasa Alert Level 2 na ang status ng bulkan.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Guinobatan, Camalig at Daraga na mayroong mga barangay na malapit sa 6km permanent danger zone.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nagsagawa na ng inspeksyon ang LGU Guinobatan kasama ang DSWD Bicol, MSWD, at MDRRMO sa kanilang evacuation center.

Sa Daraga naman ay kasalukuyang nang inaalam ng MDRRMO ang bilang ng populasyon na kakailanganing mag-evacuate kapag lumala pa ang sitwasyon.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Samantala, ang LGU naman ng Camalig ay mayroon nang designated evacuation centers na nasa Brgy. Bongabong, kung saan ang mga pangunahing iaakomoda dito ay ang mga residente sa Mayon Unit barangays.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan at hindi makapagtala ng casualty.