Tropical Storm “INDAY” napanatili ang lakas habang nasa PAR

Napanatili ng severe Tropical Storm “INDAY” ang lakas nito habang mabagal na kumikilos sa pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 20 km/h.

Hulit itong namataan sa layong 495 km Silangan ng Basco, Batanes taglay ang maximum sustained winds na aabot sa 110 km/h malapit sa gitna at bugso ng hanggang 135 km/h.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ngayong Sabado asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng bagyo sa mga probinsiya ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Bataan, at Zambales.

Muling nagpaalala ang PAGASA sa mga posibleng flash flood o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay may magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.