Bahagya pang lumakas ang Tropical Storm Goring habang tinatahak ang direkasyong pa timog-timogkanluran.
Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong 225 kilometro, silangan timogsilangan ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot ng 85 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng 105 kilometro kada oras.

Nanatili naman sa ilalim ng tropical cycline wind signal number 1 ang Batanes, eastern portion ng Babuyan Islands, eastern portion ng mainland Cagayan, at ang eastern portion ng Isabela.
Patuloy namang palalakasin ng Hanging Habagat ang Bagyong Goring na magpapaulan sa western portions ng Central Luzon at Central Luzon simula bukas.
Sa araw naman ng linggo, uulanin na rin ang western portion ng Visayas.
Samantala, Habagat pa rin ang magpapa-ulan sa bahagi ng Aurora, Bataan, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Dinagat Islands, at malaking bahagi ng MIMAROPA at sa Visayas.