TRO vs NCAP, inisyu na ng Supreme Court

Pansamantala nang pinahihinto ng Supreme Court ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy.

Ito ay sa gitna ng mga inihaing petisyon ng iba’t ibang grupo na ipatigil na ang NCAP, ‘o ‘yung paggamit ng mga CCTV cameras para mahuli ang mga motoristang lumalabag sa traffic rules.

Napagdesisyunan ng SC En Banc sa sesyon ngayong araw na kaagad ipatigil ang pagpapatupad dito hanggat wala pang opisyal na order mula sa Korte.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Pansamantala na rin munang ipagbabawal ang paghuli sa mga lumalabag sa batas trapiko sa ilalim ng NCAP.

Pagbabawalan din ang Land Transportation Office o LTO at lahat ng mga partido na magbigay ng mga impormasyon ng mga motorista sa mga LGUs.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Itinakda naman ang oral arguments para rito sa January 24, sa susuod na taon.

Unang iniakyat ng mga transport groups sa Kataastaasang Hukuman ang petisyon para ideklarang unconstitutional ang programa, ngunit nagkaisa ang mga alkalde sa Metro Manila na ipagpatuloy pa rin ang implementasyon nito dahil nakatulong anila ito sa kondisyon ng trapiko, at maiwasan ang pangungurakot ng mga enforcers.
#