Tinapos na ng Senate Blue Ribbon Commitee ang ikalawang bahagi ng imbestigasyon nito sa usapin ng sugar fiasco, ‘o ‘yung naunsyaming importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal ng Sugar Regulatory Administration.
Kaninang umaga nang dumipensa si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica hinggil sa inisyung Sugar Order No. 4.
Tuloy din ang depensa ni Sebastian hingigl sa pag-iisyu ng Sugar Order No. 4 at sinabing urgent ang sitwasyon para masolusyunan ang umano’y kakulangan sa suplay ng asukal.
Samantala, sinabi naman ni Sebastian na hindi pa raw pala tinatanggap ng Pangulo ang kanyang resignation.
Aniya, pinatawan lamang ito ng 90-day preventive suspension.
Dismayado naman sina Senador Koko Pimentel at Hontiveros sa hindi pagdalo ni Executive Secretary Vic Rodriguez dahil sa Cabinet Meeting kaninang umaga.
Ayon kay Pimentel, mahihirapan daw silang mag-wrap ng kanilang report dahil marami pa siyang nais itanong kay Rodriguez dahil sa iilang mga inconsistencies na nais itong linawin.
Dumalo rin si Philippine Sugar Millers Association o PSMA President Pablo Lobregat at sinabing hindi ito naniniwalang mayroong artificial shortage ng asukal.
Paliwanag nito, ang tuloy na pagtaas sa presyo ng asukal ay maaaring resulta ng mga TRO na inisyu laban sa refined sugar mula sa Negros.
Napag-usapan din ang sunud-sunod na inspection ng Bureau of Customs sa mga warehouse ng asukal at pinasiguro sa mga opisyales na hoarding talaga ang ginagawa ng mga ito.
Samantala, umaasa naman ang chairperson ng Kumite na si Senador Francis Tolentino na makadadalo na sa susunod na pagdinig ang mga hindi sumipot na mga resource persons.
Kabilang na rito sina Rodriguez; pati na rin ang tatlong mga bagong appointees sa SRA na hindi nakadalo dahil nagpositibo raw sila sa COVID-19.
#