Tricycle papasok sa airport, aprob na sa SP ng Puerto Princesa

Pasado na sa 3rd at final reading ng Sangguniang Panlungsod ang pag-amyenda sa Section 5 ng City Ordinance No. 1043 na pinapayagan ang mga tricycle na dumaan sa ilang bahagi ng National Highway sa lungsod.

Base sa inamyendahang probisyon ay idinagdag na papayagan ang pagdaan o pagtawid ng mga tricycle sa bahagi ng National highway ng Barangay San Miguel upang magbigay daan sa paghahatid ng mga pasahero papasok sa Puerto Princesa International Airport.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Partikular na pinapayagan ay ang mga tricycle na manggagaling sa MP road, tatawid sa highway upang makapasok sa airport o maaaring dumaan sa San Juan Road at vice versa.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa Chairman ng Committee on Transportation na si Konsehal Nesario Awat, nasa kamay na ng ito ni Mayor Lucilo Bayron para pirmahan upang maipatupad.